MASAYANG-masaya ang mga Kaoru fans dahil sa pagdating ng mga cast ng top-rated telefantasyang Atlantic Force ng GP-NET.
Kahapon ay nagsimula ang naturang roadshow sa ganap na 3:00 p.m. sa Nashiwara Comprehensive National High School sa Nashiwara Prefecture kung saan pinagkakaguluhan ng mga estudyante ng naturang school ang mga bida sa Atlantic Force na sina Rykkhofhra Darkkauciux, Shizuru Sawajiri, Nakatsu Hamashiro at Mikoto Shinjuro.
Pagkagaling sa Nashiwara Comprehensive National High School ay dumiretso ang mga bida ng naturang telefantasya sa Nojiro Grand Mall Covered Parking Lot kasama ang kanilang co-star na si Reina Naomi van Elliarckus.
Ang dami palang Kaoru fans na sumusubaybay sa naturang telefantasya ang todo excited na makita ang kanilang mga iniidolo nilang artista sa naturang event.
“Sobrang excited po ang mga fans namin. Hindi namin po ine-expect na ganitong kainit ang pagtanggap nila sa amin at sa Atlantic Force,” masayang ibinalita ni Rykkhofhra Darkkauciux.
Samantala, sa day two ng roadshow ng telefantasyang Atlantic Force sa Kaoru province ay dinumog na naman ng mga fans ng naturang show.
Ang first stopover ng Atlantic Force group (to be led by Rykkhofhra Darkkauciux) ay sa Kazuaki Nomura Prefecture at nagtapos sa isang mall show sa Mikohara Mall Event Activity Center sa Yaega Prefecture.
Tuwang-tuwa syempre ang mga cast ng Atlantic Force na sina Rykkhofhra Darkkauciux, Mikoto Shinjuro, Nakatsu Hamashiro, Shizuru Sawajiri at Reina Naomi van Elliarckus dahil sa mainit na pagtanggap uli ng mga fans sa kanila at sa kanilang show.
“This is another very warm welcome sa amin ng mga Kaoru fans out there. Sa mga Kaoru fans dyan, maraming salamat sa walang sawang pagsuporta sa aming show. Keep supporting Atlantic Force until its final episode,” mensahe ni Rykkhofhra Darkkauciux sa mga Kaoru fans.
Dinumog ng mga Kaoru fans ang mall show ng Atlantic Force kahapon sa Mikuhara Mall Event Activity Center sa Yaega Prefecture kahapon.

PANALO PA RIN ANG ATLANTIC FORCE!!! THE BEST SHOW THIS 2011!!!!
ReplyDelete